Hidilyn Diaz, excited sa tulong ng BDO Cash Agad
Malaki ang paniniwala ni Olympic at Southeast Asian Games weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz na nakakatulong ang pagiging BDO Cash Agad partner-agent ng kanyang gym sa mga kababayan niya sa Barangay Mampang at kalapit-lugar sa Zamboanga City.
Ang gym ay nagsisilbing training facility para sa mga nangangarap na maging champion weightlifter tulad ni Hidilyn, at sa iba pang health and sports enthusiasts. Noong July 1, 2022, pormal nang inilunsad ang Hidilyn Diaz Gym bilang Cash Agad partner-agent sa nasabing lugar.
“Alam ko na makakadagdag ng kita para sa pamilya ko (na syang nag o-operate ng gym) ang pagkakaroon ng Cash Agad point-of-sale (POS) terminal sa gym,” ani Hidilyn. “Pero mas malaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga kababayan ko sa Mampang lalo na sa pag-withdraw nila ng cash.”
Gamit ang ATM cards mula sa BDO Unibank, BDO Kabayan Savings, at BDO Network Bank, at iba pang local banks, maaaring nang mag-withdraw sinuman ng cash sa gym ni Hidilyn Diaz at iba pang mga small to medium businesses tulad ng sari-sari stores. Dahil may over 10,000 Cash Agad agents na nationwide, hindi na kailangan pang bumiyahe ng mga customers nang malayo at gumastos sa pamasahe papunta sa bangko o ATM sa siyudad.
“Dito sa Mampang, kailangan pa nilang bumiyahe ng mga 10 kilometers para lamang makapag-withdraw sa bayan. Pero ngayon dahil may POS na sa gym namin dito, kaunting lakad na lang sila. At dahil magkakakilala naman kami dito sa Mampang, anytime pwede silang magpunta para mag withdraw lalo na kung para sa emergencies,” dagdag pa ni Hidilyn. “Para sa mga beneficiaries ng mga overseas Filipinos, madali na nilang mai-wiwithdraw ang kanilang remittance dahil may Cash Agad na dito.”
Para sa mga family members nya na nagma-manage ng gym, dagdag kita din ang dulot ng Cash Agad mula sa convenience fee sa bawat withdrawal transaction ng customer. Bukod sa withdrawal, pwede ring mag balance inquiry sa Cash Agad POS.
Payo din ng weightlifting champion na magandang ehemplo ang gym nya na may Cash Agad para sa mga iba pang may negosyo.
“Sa mga may negosyo, lalo na yung mga nasa far-flung areas, I encourage them na mag apply na rin na maging Cash Agad partner-agent dahil dagdag kita ito sa kanila. Makakatulong din ang Cash Agad na madagdagan ang mga suki sa business nila dahil kadalasan pag nagwiwithdraw ang customer sa Cash Agad at nakita nila yung mga paninda mo, bibili na rin ang mga yun. Malamang mag kwento pa sila sa mga kakilala nila na ‘dun ka na bumili, makakapag withdraw ka pa dahil may Cash Agad’,” giit ni Hidilyn.
Nagsagawa rin ng Agents Day ang BDO Remit, BDO Network Bank at BDO Cash Agad kung saan ang mga branch employees mula sa iba’t-ibang lugar sa Zamboanga City ay nagsagawa ng financial inclusion activities para sa mga taga-Mampang, kabilang na dito ang pag facilitate ng account opening, loan application, at pag tugon sa mga inquiries sa Cash Agad.
Cash Agad sa Mampang, Zamboanga City. Pormal na pinasinayaan ni BDO Unibank Senior Vice President and Agency Banking Head Jaime Nasol at Olympic at SEA Games gold medalist Hidilyn Diaz ang Hidilyn Diaz Weightlifting Gym bilang Cash Agad partner-agent sa hometown ni Hidilyn sa Barangay Mampang, Zamboanga City. Kasama rin sa ribbon-cutting ceremony ang nanay ng weightlifting champion na si Emelita Diaz, at si Cecile Paran na BDO Network Bank Area Head ng Zamboanga Peninsula Area.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!